Daan yan papunta sa mismong pamantasan, sa pagitan ng catwalk at mga courts(tennis court, gym, basketball courts, etc.)
Yan lang naman yung sinira nila dati. Gawa na yan e, sinira lang ng mga aktibista bilang protesta. Ayun, ang saya kasi gawa na ulit. Isang taon na mahigit din yang sira, hindi mo madadaanan ng maayos kasi pag nadapa ka at tatanga tanga ka, panigurado putok muka mo! Hahahahahaha. Sarap siguro daanan nyan. :”)
Sa tuwing uulan kasi at wala kang payong, (hindi kasi ko pala dala ng payong) sa catwalk ka dadaan kasi may shed dun e sa dami ng estudyante sa pamantasan, makikisukob ka na lang. Last time galing kaming tennis court ng bumuhos ang malakas na ulan, ay tae, lumubog paa ko sa putik! Hmp! Ayun, yung maganda kong shoes, pag uwi ko e putikan :3
Sana sa susunod naman e yung mga pasilidad na pang araw araw na ginagamit, gaya ng classrooms, comfort rooms at mga electric fan, mga pinto, basta yung mga ganung bagay, kesa sa mga infrastructures na ewan ko ba kung anung silbi nun lalo na yung Mabini Shrine na hindi man lang matambayan. Lalong lalo na yung Mini Intramuros, tae, pampaganda lang ng school di man lang magamit. Naalala ko may nag room-to-room samen noon, ang PUP daw e parang isang mapulang mapulang mansanas. Sa loob nito, bulok! Bwahahahah :P
In Greek Mythology…
Humans where originally created with four arms, four legs and a head with two faces. Fearing there power, Zeus split them into two separate parts. Condemning them to spend there lives in search of there other half.
Have you found yours?
Unfollower/s
Sabi ng iba,wala sa dami ng followers yan. Nasa nilalaman ng blog mo yan, pero db minsan dun mo din mababase kung sino yung mga taga sunod ng blog mo, yung mga tunay na readers mo. Yung mga nakakaappreciate ng blog mo.
Nalulungkot ako sa tuwing may nag uunfollow saken. Feeling ko ang walang kwenta kong blogger para iunfollow. Pero alam nyo sa tuwing may nag fofollow saken sobrang saya ko, kahit isa lang yan, lalo na kung marami. Naiisip ko, saan kaya nahagilap neto yung URL ko? Nag eenjoy kaya sila sa blog ko? Ang sarap sa feeling kapag nakakapagblog ako. Kadalasan kasi dito lang talaga ko nag kkwento. Dito ko kadalasan nilalabas lahat, sama man ng loob o kapag sobrang saya ko, kapag naipupublish ko yun, para ko na ring naibahagi yung buhay ko dito. Oo nga madalas madrama mga post ko, pero dito ko lang kasi yun nagagawa, sa totoong buhay kasi, kadalasan hindi mo ko kakakitaan ng lungkot, lalo na ngayong malakasa ako. Well, makikita naman yun sa mga mata ko.
Sa bawat notes sobrang nakakoverwhelm lalo na kung may mga nag tTA saken. Samantalang ngayon wala na. Nakakalungkot lang isipin na dati masaya dito, ngayon madalas ko na maramdaman na wala na kong friend dito :(
Yung iba, minsan ko na ding naging kaibigan bigla na lang akong inunfollow. Sana lang, wag nyo na lang ako ifollow kung isang araw iuunfollow nyo din ako.
“Baka nakalimutan ka na talaga bhe?” —Kite
Text saken ni Kite. Naglabas kame ng sama ng loob kasi we knew na same lang yung situation namin.
Baka nga totoo yung sinabi nya na nakalimutan na talaga ko ng mahal ko. Yung taong nagsabi na mahal nya din ako. Yung taong nagbigay sigla saken sa kabila ng kalungkutan ko. Wala na nga ata sya. Sabagay, wala naman kaming karapatan sa isa’t isa tulad ng sinasabi mismo ni Beb sa tuwing hindi kame mag kaintindihan. Hindi ko maiwasang hindi umasa, sa mga pangako nya, sa mga ginawa nya at sa pag bitiw nya sa mga salitang mahal nya din ako. Hindi naman ako ang humingi nun. Sya. Pero bakit ganto ka’unfair? Ako pa yung nahihirapan at ako lang yung nag aalala kung anu ng nag hihintay para saming dalawa.
Sa ngayon, ayoko na syang makita. Iiwasan ko na lang siguro sya sa tuwing magkakasalubong ang landas namin sa campus. Wag na wag ko lang sya magiging classmate sa kahit anung subject. Mahihirapan siguro ako pag nagkataon. Naalala ko yung sinabi saken ng isang plurker, sabi nya saken, hindi na daw pala ko pinapahalagahan e bakit daw ipagpapatuloy ko pa, if I’m hurting why should I prolong the agony, sabi nya pa balang araw maaalala ko yung pinag usapan namin, yung mga sinabi nya. Napaisip ako bigla, bakit ko nga naman iisipin yung taong hindi man lang ako maalala. Nitong panahon na nagkasakit ako, wala sya sa tabi ko. Sabagay, sino nga naman ba ko sa kanya. Haaaay! Bullshit! Sana hindi na lang sya.
Still, life must go on, another mistake but another lesson learned. At hindi na ulit mauulit. Nakakapanghinayang lang yung oras na nailaan ko para sa kanya na dapat naituon ko na lang sa iba.
Hindi ako file na idedelete mo pag ayaw mo na at hahanapin mo sa Recycle Bin kapag kailangan mo na ulit.
Patay kang bata ka! Haha...
- JUAN: Tay! Damot ng kaklase ko!
- TATAY: Bakit naman?
- JUAN: Hindi kasi siya nag invite sa burol ng Tatay nya! Hindi ako nakakain ng biscuits! Hindi ko rin siya iinvite sa burol mo Tay! Sana malapit na para makaganti na ko :")
Text saken ni Dee </3
Para kong sinampal sa sobrang sakit :(( Kinakahiya nya ba ko? O sadyang ayaw nyang malamanng mga tropa namin mga kalokohang ginagawa namin :’(
Siguro nga tama sya. Wala naman akong karapatan na masaktan, magalit o magdemand ng kahit ano. We’re just friends. Friends with benefits. Siguro kung malaman ng mga kaibigan namin na puro kalokohan ginagawa namin baka mawalan na kame ng kaibigan. Hay, mas mabuti nga siguro na walang makakita samen na magkasama kame. Siguro nga, dapat itago na lang namin kung anu man ang namamagitan saming dalawa. Hindi alam ni Beb tong mga bagay na to. Kahit pa mga kaibigan namin, walang nakakaalam.
Pero hanggang kelan kame maglalaro? Hihintayin pa ba namin na mahuli kame ng kung sino? Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko para sa kanya, basta, mahalaga sya saken.
Panaginip…
Kinikilig ako sa panaginip ko :)) Sana totoo yun. Buti na nga lang at naaalala ko pa yung mga details nung panaginip ko, kadalasan kasi pag gising ko e wala akong naaalala kahit piliti kong alalahanin, basta ang alam ko lang na nanaginip ako. At take note naramdaman ko yung feeling :”) Haha, kaya kaya kong idescribe :))
Ang scene kasi e sa bahay namin. Nasa likod daw ako ng bahay, sa may pinto biglang may sumulpot. Si Rhayken, friend ni Beb at isa pang matangkad na kaibigan. Walang yah! Haha. Tatlong matatangkad silang lalaki. Pero yung dalawang friend lang ni Beb ang nakita ko. Hinanap ko si Beb kay Rhayken. Nakalimutan ko yung sinagot nya. Pag akyat ko ng kwarto ko andun na si Beb, tapos hinalikan nya ko. Yes, he kiss me, in my lips. A french kiss :”)
Woooh! Naramdaman ko yung kiss. Yung pagkakadikit ng labi ko sa labi nya. Sobrang lambot ng lips nya at ang pula pula :)) Sobrang sarap yung humalik. Nun lang ako nahalikan ng ganun. Ang masaklap e sa panaginip pa, sana totoo db. Pero mukang hindi si Beb. Haha. Basta, ang pogi nung lalaki at ang sarap humalik. Ang sarap pagnasahan. Haha. Kung pwede lang magpasibak! Gooooo! With all of my heart ang my soul! :))
Natapos yung halikan namin ng dumungaw si Kuya sa terrace namin e nakabukas pinto ng kwarto ko na tanaw na tanaw sa terrace ng bahay namin. Bumitiw ako sa napakasarap na pagkakahalik kasi baka mahuli kame. Tapos nagtatakbo pababa ng bahay si Beb.
Dun nag end ang panaginip ko. Kaya buong buo araw ko. Ang babaw pero ang sarap talaga. Sana totoo okaya ituloy to pag natulog ako :)) Haha. Laking tuwa :”)
Hindi pa kasi ko naliligo you know :P Haha. Init na init na nga ko e, hmp! Mas masarap kasi magbath before going to sleep db :”)
Sana naman magpasukan na, kasi bored na bored na ko sa bahay, wala pang kausap! What the hell with my life. Gagala naman wala naman akong pera.
Gustong gusto ko na din mag enroll para outing ever na :)) Haha. Tsaka bukas ata or the following day kunin namin yung grades namin this summer class 2012, mehehe, sana walang mababa….
Hindi naman kayo, pero parang kayo.
Matatawag natin tong M.U mutual understanding o kaya naman malanding ugnayan lang talaga. Ginagawa niyo yung mga bagay na ginagawa ng mga taong magkarelasyon. Pero may limitasyon. Walang mga pangakong nagaganap. Maaring mangako pero hindi dahil nangako siya gagawin niya. Wala naman kayong commitment sa isat isa. Basta ginagawa niyo lang yung ginagawa ng mag karelasyon pero hindi kayo.. Mga bagay na ginagawa ng mga taong nasa ganitong sitwasyon.
- Itetext ka niya kung kailan man niya gusto, syempre ikaw naman tong si inlove sa kanya mag rereply ka naman agad. Tapos mag katext kayo buong mag hapon.
- Nag iilove-yuhan kayo. Lahat nalang ng sweet ng mga salita sinasabi niyo sa isa’t isa. Daig niyo pa ang mag asawa.
Pero minsan mapapaisip ka paano na kung iwan ka nalang niya bigla, pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Masakit? Oo masakit. Parang pumasok kana rin sa isang relasyon pag iniwan ka niya. Kasi broken na broken ka. Tapos sabayan pa ng mga pang broken hearted na kanta. Ay, puta! Pang famas na ang peg mo teh! Ang hirap lang sa ganitong sitwasyon.
- Pag ayaw niya na sayo, wala ka ng magagawa.
- Pag iniwan kana niya nganga ka nalang. Wala kang habol sa kanya kasi nga hindi naman naging kayo. Parang dalawang taong nagsama lang sa isang bahay nagkaanak sila. Pero hindi sila kasal. Tapos iniwan nong lalake yung mag ina niya. Walang habol ang babae sa lalake pag iniwan sila. (Ikorek niyo ko kung may habol pa nga ba ang mag ina kung iniwan sila nong tatay kahit hindi kasal)
- Gusto mo siyang ipakilala sa mga magulang mo. Pero nag aalinlangan ka. Kasi hindi naman siya nanliligaw e, nilandi ka lang niya. Nilandi niyo lang ang isat’ isa.
Hindi ko alam. Kung may natatagal ba sa ganitong sitwasyon. Depende nalang sa inyong dalawa. Kung matatag kayo at kung mahal niyo ang isa’t isa. Kahit na hindi naman kayong dalawa.. At kaya niyong maghintay sa panahong magiging kayo na talaga.
Juice...
- BATA: Pabili ng TANG litro.
- TINDERA: Yung powder?
- BATA: Ay hindi! Yung bareta! Panghampas sa tanga!
Bakasyon na ba?
Last day ng summer class namin nung Thursday :)) So ayun, wala ng pasok, wala na ding pera. Mixed emotions. Masaya kasi tapos na yung paghihirap namin, yung maghapong klase para lang mabuno yung oras para sa summer class. Malungkot kasi di na kami everyday magkikita ng mga friendships ko sa school, andami ko pa naman friends sa school, haha, halos kakilala ko na sila kaka cross enroll ko. Kinakabahan kasi hindi namin alam kung anung resulta ng grades namin. Sana walang bumagsak. Para wala ng uulit. At excited ako, kasi second year na kame sa susunod na semester :))
Pero, bakasyon na ba talaga? Siguro wala lang pasok, pahinga lang ng dalawang linggo? Kasi next week mag aayos naman kami ng grades at mag eenroll. Ganun lang. Maghapon lang ako sa bahay. Mag net. Manuod ng tv. Masakit na nga pwet ko sa kaka upo maghapon e. Tsk. Anu ba naman to.
Kagandahan lang nito e tuloy tuloy yung aral. Hindi nawawala sa wisyo na aral aral aral aral. Basta, ang impotante masaya at natututo :D
Wala lungsss.
Bakasyon na daw kasi. Parang hindi naman, bahay lang ako forever :(( Todohang pahinga lang gagawin ko neto. Hmp! Wala man lang swimming, vacay sa province. Pano ba naman tapos na silang lahat :/ So ganun iwanan?? Anu ba namang buhay to. Puro aral ever -.-
Limang pagsubok na kailangan malampasan kapag nagmamahal.
Time Test - Gaano ba katagal ang pagmamahalan niyo? Gaano ba katagal ang nararamdaman niyo sa isat-isa? Tatagal ba ito ng linggo? buwan ? taon? Hanggang kailan kayo magiging sweet sa isat-isa? Kapag nakuha mo ba ang gusto mo sa isang tao eh ganun katagal pa rin ba kahigpit ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya?
Distance Test - mahal mo pa rin ba siya kung sakaling malayo siya sayo? mahal mo pa rin ba kung sakaling bigla kayong magkahiwalay dahil kailangan mag ibang bansa ng isa, o kaya naman bigla kayong magkakalayo sa isat-isa dahil may mga pangyayaring hindi inaasahan sa inyong dalawa, hanggang saan at gaano kalayo ang aabutin ng inyong pagmamahalan?
Freedom Test - gaano mo siya kayang tanggapin? hindi ba dapat eh wala kang pinapakealaman sa kanya? Kung totoong may faith ka sa kanya, papatong sa isip mo ang “Kahit ano man ang gawin niya, sino man ang kasama niya, sigurado akong sa akin pa rin ang bagsak niya.”
Growth Test - dito naman ang respeto sa isat-isa na binibigay para maging mas mature ang isang tao, ito ang pagsubok na binibigay para maging open sa bagay bagay at maging mas mature ang isip ng dalawang magkasintahan, kung parehas kayong parang bata sa relasyon niyo, walang mangyayari sa inyo. Bakit hindi ka kumuha ng baby sitter kung kayong dalawa eh bata bata pa. Dapat laging may mature at sigurado akong madadala mo ang partner mo dahil sa pinapakita mong ugali mo. Kailangan ng isang tao na didisiplina sa isang taong nangangailangan ng disipilina. Kailangan ng sapat na oras dito para malamapasan.
Sacrifice Test - handa mo bang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? handa ka bang ialay ang buhay mo sa kanya bilang isang kasintahan o kaya naman asawa? Kaya mo bang bitawan ang mga bagay na importante sayo pero kailangan mong bitawan para maituloy ang pagmamahalan? May mga tao ka bang handang iwan para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ialay? Gaano kahaba ang pasensyang ibibigay? Masasabi mo bang martyr ka kung ikaw lang ang nagmamahal at nagbibigay ng sakripisyo? Hindi natin alam.. Ibat-iba kasi tayo ng estilo ng pagmamahal at pagbibigay ng sakripisyo, ibat-iba ang mundong ating ginagalawan, ang mga taong nakakapaligid satin, mga taong nakakaimpluwensya sa atin.
(via matabangutak)





